CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, November 29, 2009

AMPATUAN MAGUINDANAO MASSACRE




ang hirap isak sak sa aking isipan ang mga bagay bagay na hindi matanggap ng aking kalamnan. Tila hindi na nabubuhay ang konsensya sa bawat isa,sa loob ng pamilya lalo na sa lipunan.HUSTISYA-- tila hindi ko na matanaw,kahit sa panahong lubos ko itong kailangan.Hindi ko lubos na maintindihan kung paano ba ang takbo ng pag iisip ng mga taong nakuhang pumaslang ng mga INOSENTENG buhay.Hindi na nga sila karapatdapat na tawaging tao,kahit nga hayop hindi ko rin maaaring itawag sa kanila.Sila'y mga anak ng demonyo..na isinuka na ng impyerno!Wala naman akong pinapasaringan,depende na iyon kung merong matatamaan.Ang akin lang,bakit di natin makuhang magrespetuhan?Gano ba kahirap ang maging TAO?Kung maka patay kayo parang ipis lang yung tinatapakan nyo,dahil sa nakikita ko..di na umuubra ang mga konsensya nyo..Wala ba kayong mga anak?WALA BA KAYONG KAPATID NA LALAKE?OH NANAY??Pano ba ninyo nasikmurang pumatay?Pumatay ng inosenteng buhay!Kung usapang politika lang hindi naman kailangang maghugas ng dugo!Hindi naman kailangang buhay ang kunin kapalit ng pagkakasala ng ibang tao sa inyo..Tandaan niyo,hindi sainyo ang buhay na meron kayo!HIRAM LANG ANG BUHAY NYO,MAGING ANG BUHAY KO!Kaya wala kayong karapatang kumitil ng buhay..lalo na kung hindi sainyo!!! Isa pang gusto kong sabihin,bakit di nyo maamin amin ang kasalanan nyo??Eh hindi naman kami ganun ka bobo!Kahit simpleng studyanteng tumatambay sa labas ng skwelahan ay naiintindihan at nagagalit sa masaklap na katotohanan!! Huling huli na po kayo..... Hindi nyo na kailangang ibaling sa iba ang sisi..oh mag paawa sa harap ng tv!!!Sana totoong may nagmumulto..At sana multuhin kayo ng lahat ng mga pinatay ninyo!!Hanggat walang nakakamit na katarungan..Walang mangyayaring "PEACE"! Tama nga naman..sanayan lang ang pagpatay....... pero kahit kailanaman,HINDI KO MAGAGAWANG MASANAY SA KADEMOnyohan ninyo!